Mister hinostage si misis

KULUNGAN ang binagsakan ng isang mister matapos nitong gawing hostage ang sariling misis na nakikipaghiwalay sa kanya Biyernes ng gabi, Hunyo 10, sa Butuan City.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, ginawang hostage ni Jay Plaza ang kanyang asawang si Marife Plaza kaya inaresto ito ng mga tauhan ng Butuan City PNP.

Nabatid na nakikipaghiwalay na ang ginang sa kanyang asawa at umabot pa ito sa paghahain ng reklamo ng babae sa mga awtoridad dahil sa takot na guluhin siya ng kanyang mister.

Sinasabing bago  hinostage ng lalaki ang kanyang asawa ay naghain ng reklamo ang  kanyang misis at  humingi ito ng protection order na na kinatigan ng korte at nagresulta na pagbawalan ang suspek na makalapit o makita man lang ang mga anak nito.

Ayon naman kay Jay nais lamang niyang makita ang kanyang mga anak kaya sapilitan niyang pinasok sa bahay ang asawa.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na pinilit umano ng suspek ang kanyang misis na pumasok sa tinutuluyang bahay nito saka doon na hinostage.

Dali namang humingi ng saklolo ang mga residente sa Butuan City Police at BCPO SWAT team at napasuko ng matiwasay ang mister na kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply