Mister ikiniskis ang ari sa puwet ng ginang, tiklo

KALABOSO ang kinabagsakan ng isang mister matapos na hindi nito napigilan ang paninigas ng kanyang ari at inilabas upang ikiskis sa puwet ng isang magandang ginang na namimili sa loob ng isang book store kahapon, Hunyo 7, sa Malabon City.

Ang suspek ay nakilalang si Andy delos Angeles, 25, may-asawa, residente ng Block 57, Lot 17, Phase 3, F-2, Sabalo, Caloocan City.

Galit na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Jacqueline Balagtas, 35, may-asawa, residente ng Block 9-H, Lot. 13, Dagat-Dagatan, Caloocan City upang pormal na sampahan ng kaso ang manyakis na suspek.

Base sa salaysay ng biktima, naganap ang pangmamanyak sa kanya ni Delos Angeles dakong 7:15 ng gabi sa loob ng isang sikat na bookstore sa Malabon City Square na matatagpuan sa kanto ng C-4 Road ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktima, namimili siya ng mga gamit ng kanyang anak nang magulat siya na may matigas na bagay na sumusundot sa kanyang puwitan at nang lingunin ay nakita nito ang nakalabas na ari ng suspek.

Dito ay agad na pinaghahambalos ng payong ng biktima si Delos Angeles na nawawala ang paninigas ng ari ng suspek nang arestuhin ng mga security guard sa nasabing mall.

Si Delos Angeles ay nahaharap sa kasong Unjust Vexation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply