Mister nakatayo sa labas ng bahay, binaril, patay

DEDO ang isang mister matapos targetin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin habang ang una ay nakatayo sa tapat ng kanilang bahay sa Navotas, Miyerkules ng hapon, Hunyo 15.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tama ng bala sa ulo si Abelardo Patagani, 54, ng Pescador St., R-10 ng lungsod.

Sa ulat, dakong 2:30 p.m., nakatayo ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga salarin at isa sa mga ito ang bumaril kay Patagani.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga salarin habang dinala naman sa TMC ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply