MIT Cardinals nakalipad sa quarterfinals

NAKAPASOK sa quarterfinals ang Mapua Cardinals habang lumaki ang tsansa ng San Beda Red Lions at ng La Salle Green Archers tungo sa huling pangwalong team sa FilOil Flying V hanes preseason Premiere Cup.

Pinaluhod ng Cardinals ang UP Fighting Maroons, 75-71, nginata ng San Beda Red Lions ang San Sebastian College Stags, 97-81, habang pinaulanan ng palaso ng De La Salle Green Archers ang Lyceum Pirates, 96-63 sa Group A.

Nakapasok sa susunod na round ang Cardinals sa Group B habang lumaki ang tsansa sa Group A ng La Salle Green Archers. Minalas naman ang Stags ni Coach Arturo Valenzuela nang hindi makalaro sina Ian Sangalang at Calvin Abueva.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply