MMDA pinaigting ang kampanya vs polusyon

LALONG pinaigting ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kampanya laban sa polusyon.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Planning Tina Velasco, tuloy-tuloy ang kanilang babala sa publiko laban sa paghithit ng sigarilyo. Epektibo na sa Hulyo 1 ang pagmumulta sa mga mahuhuling mamamayan.

Magiging mas mahigpit din ang pagmomonitor sa siyudad ng Caloocan, Mandaluyong, Muntinlupa at Parañaque na madalas dinadagsa ng publiko.

Binigyang diin din ni Velasco na sinusunod lamang nila ang Republic Act of 9211.

Magiging “body-body” system din ang panghuhuli ng mga naninigarilyo, upang masigurado na hindi mangingikil ang mga MMDA personnel nito.

Maglalagay din ng halaman sa kalagitnaan ng Epifanio Delos Santos, bilang kampanya sa pagpapalinis ng hangin sa naturang daanan, at muling pipintahan ng berde ang dating pink signature sa kakalsadahan na ipininta ni dating MMDA chairman Bayani Fernando.

Nakikipagtulungan din sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang MMDA upang maapula ang mga smoke belchers sa kalsada.

Sa tulong din ng Department of Transport and Communications mas palalawigin pa ang emission testing sa ahensiya, upang di makalusot ang mga sasakyang nagbubuga ng nakalalasong usok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply