Mobile car SJA-702: Nasita na ba kayo nito sa Libis?

WHEENGGG…Mobile Patrol Car SJA-702 ng mga “kotong cop” na laging nakaumang sa Libis, Quezon City (C5). Walang inaatupag ang mga nakasakay sa Mobile Patrol Car na ‘yan  kundi ang mandelihensiya sa mga motorista sa lugar.

Halos araw-araw, wala silang pinalalampas na araw, maging Linggo ay pawang mga nakatambay ang Mobile Patrol Car na ito sa nasabing lugar.

Walang pulis-pulis, walang media-media, walang kapit-kapitbahay pag nakursunadahan ka ng mga ”kotong cop” na ito, siyento por siyento, laslas ang bulsa mo.

Ultimo mga motorsiklo na wala namang violation dahil sa kumpleto naman  ng rekado ang mga papel,  kahit may suot ka pang  helmet, pag nakursunadahan kang delihensiyahan ay mahihiya si Mando sa kadudukot.

Nasa itaas yung Mobile Car na plate number para nga naman hindi disimulado ang plate number nila.

Ano nga ba ang binabantayan ng mga “kotong cop” ninyo, QCPD Director Supt. George Regis, sa Libis?

Abay, pagtrabahuhin na muna ninyo ang mga pulis Col. Regis para naman kahit papaano ay may makita ang  taumbayan na may ginaga-wa kayo para sa kanila.

Patigilin na muna ninyo si-la sa pangongotong at mag-trabaho na muna sila!

Simula nang maupo kayo, Supt. Regis sa Quezon City, ay mas lumala ang crime rate sa inyong nasasakupan.

Grabe ang carnapping, holdapan, ambush at marami pang iba.Wala kayong ginagawa! Bakit hindi ninyo paghuhulihin ang mga na-ngongotong sa Libis.

UNTOUCHABLE  ANG LOTENG

Lantaran ang operasyon ng loteng nina Nonoy at Jings sa Marikina.Walang ipinagmamalaki ang dalawa kundi si Mayor Del de Guzman. Maging si COP Supt. Gabriel Lopez.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply