‘Motel’ sa loob ng Bilibid nadiskubre

NADISKUBRE ng House committee on justice ang mga kuwarto na nagmistulang motel sa ginawang pag-iinspeksyon sa mga kubo na tinitirhan ng ilang mga high-profile inmates sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa isinagawang ocular inspection, ikinagulat ng mga kongresistang miyembro ng komite ang natuklasang ebidensya ng “special treatment” sa loob ng Bilibid.

Maliban sa naka-tiles ang sahig, mayroon pa umanong sariling toilet, exhaust fan at mga kitchen amenities ang nasabing cubicles.

Ang ilan ay mayroon pang mga TV, DVD player at pullout bed.

Ikinagalit pa nina Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon at Rep. Elpidio Barzaga ang mga nakitang pornographic DVDs at Nazi movies sa loob ng isa sa mga kuwarto.

Ipinahayag pa ng Bureau of Corrections (BuCor) na ang NBP ay mayroong 19,334 inmates at ang ratio umano sa nagbabantay na prison guard ay nasa 1:93

Sinasabing ang naturang mga kubol ay ginagamit umano ng ilang Chinese inmates na nahatulan sa kasong drugs.

Kaugnay nito, kaagad ipinag-utos ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagbuwag ng mga nasabing “special place” sa loob ng Bilibid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply