Multa sa driver na lasing at nakadroga itataas

ITATAAS pa ang ipapataw na multa sa mga mahuhuling nagmamaneho ng lasing o nasa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot sa oras na maging batas ang House Bill no. 4706 na isinulat ni Lanao del Sur  Representative Mohammed Hussein Pangandaman, na naglalayong itaas ang multa sa kalahating milyong piso.

Ayon kay Pangandaman, kailangan na umanong maalis ang pagbabalewala sa buhay ng tao sa napakababang multa sa ilalim ng kasalukuyang batas na P3,000 na ginawa noon pang 1949.

Maging ang Korte Suprema ay nagsabi sa kanilang mga desisyon na ang multa na isinasaad sa Artikulo 2206 ay hindi sapat upang kabayaran sa mga napinsalang buhay  at sa estado ng mga driver na nakakaaksidente dahil sa pagiging lasing o pagkalulong sa droga.

Maliban sa P500,00 multa bilang kabayaran sa pagkamatay ng mga magiging biktima, isusulong din ng HB 4706 ang pagbibigay ng kaukulang danyos sa pamilya ng biktima katapat ng kanyang suweldong natatanggap noong nabubuhay  pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply