Multi-million peso project sa NBI at kompanyang bogus

TADTAD ng kontrobersya ngayon ang nalalapit na ‘bidding’ na ipalalabas ng Department of Justice ukol sa proyektong National Citizens Information System (NCIS) dahil  isa sa mga bidder ay may ‘kuwestiyunableng’  kwalipikasyon.

Hindi natin sinasabing  totoo ang reklamong ito pero base sa impormasyon,  dapat na mag-ingat o suriing mabuti ni Justice Sec. Leila de Lima ang pagbibigay ng pahintulot na sumali ang kompanyang Strategic and Comprehensive Consultants Inc. (SCCI) ni Ret. Police General Jefferson Soriano na nasangkot sa ‘Euro Generals Scam.’

Alam natin na negosyo at hanapbuhay ang nais ng SCCI pero para maging malinaw ang lahat, dapat na isa-isang ipaliwanag nina Soriano ang  mga isyu na ipinupukol  laban sa kanila. Isa rito ang wala raw silang kapasidad para sa ganito kalaking multi-million peso na proyekto ukol sa information technology.

Ang NCIS kasi sa pa-mamagitan ng Automated Fingerprint Identification System  ay makabagong paraan para mapaganda at higit na maisaayos ang pag-iisyu ng NBI clearance na nasa ilalim ng pangangalaga ng DOJ. Bahagi  ito ng Public-Private Partnership program ng PNoy administration.

Kabilang sa ipinagmamalaking proyekto ng SCCI  ang San Juan Arena na kala-unan ay kaliwa’t kanan ang reklamo ng City Government dahil sa dispalinghadong pagkakatayo nito.

May reklamo rin ng ilang pulitiko na umano’y kinuhanan ng SCCI ng pera kapalit ang proyektong napako. Pinakakontrobersyal ang proyekto sa Mariveles, Bataan na matapos makakolekta ay di na itinuloy ang proyekto.

Bukod sa power play, kinasangkapan din daw ng SCCI ang Iglesia ni Cristo, bagay na dapat ipaliwanag nina Soriano, kung totoo. Nasa ‘tuwid na landas’ na tayo at bawal ang bogus sa gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply