N. Cotabato matindi ang baha

NAKARARANAS ngayon ng matinding baha ang M’lang at Tulunan, North Cotabato ngayong umaga, Hunyo 10, kung saan umabot ng hanggang beywang ang taas ng tubig bunsod ng walang tigil na mga pag-ulan.

Nabatid kay M’lang mayor Lito Piñol na patuloy ang pagsasagawa ng rescue operations sa mga apektadong residente sa kanyang lugar.

Naunang isinailalim sa state of calamity ang siyam na mga barangay sa President Roxas, North Cotabato dahil pa rin sa mga pagbaha at landslide.

Kabilang sa mga apektadong barangays ang Duwail, Poblacion, Mabuhay, Kabangbangan, Idaungan, Labu-o, Kamarahan, Malegria, at Ipkahilo.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply