Nabubulok na ang mga kaso sa NLRC

ANG mabagal na pag-usad ng mga kaso mula sa tanggapan ng National Labor Relation Commission (NLRC) ang kadalasan na iniiyakan ng mga manggagawa sa tuwing maghahain sila ng mga reklamo partikular na ang mga Overseas  Filipino Worker (OFW).
Mantakin ninyo, inaabot ng napakahabang taon bago madesisyunan ng NLRC ang mga kasong idinudulog sa kanila ng mga manggagawa.

Mukhang naghihintay  yata ng lagay ang mga  kawani ng nasabing tanggapan bago nila ito upuan.

Aba, hindi matuwid na daan  ni  PNoy ang inyong tatahakin pag ganyan ang inyong mga kostumbre.

Basahin ninyo ang mga reklamo sa text message ng manggagawa.

Sir Johnny, gud pm. Ako ay si Rami Bacalso. Sir, nag-file kasi ako ng kaso sa Agency namin kasi niloko nila ako sa contract ko. Nagwork kasi ako sa Jeddah, Saudi Arabia at sinahuran lang ako ng 260 riyals kada buwan! Matagal na ang kaso ko  na nasa NLRC, hanggang ngayon hindi pa natatapos. Buti palaging nananalo. Sir, bakit matagal na umusad ang kaso? Nasa NLRC na ang kasong isinampa ko pero 4yrs na ay wala pa ring resulta! Mukhang naghihintay pa yata na magbigay ako ng lagay sa kanila bago sila  magdesisyon. Mukhang naghihintay sila ng lagay.

SUPT. REGIS PADRINO NG LOTENGLORD

Si Lito Motors ang may hawak ng kabuuan ng operations ng loteng sa buong Quezon City. Sa tulong ng isang Art Rivera na sanggang dikit ni QCPD Dir. Supt. George Regis, ang minamanok niyang maging bangka ng loteng sa Kyusi ay si Lito Motors.

Si Lito Motors ngayon ang pinakamalakas na gambling operator sa buong QC. Walang sinoman ang makababangga sa kanya dahil  hawak siya ni Supt. Regis.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply