60-anyos na Bicolano nakadale ng P356-M jackpot

ISANG senior citizen na tubong-Bicol ang tinanghal na pinakahuling miyembro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Millionaire’s Club.

Ang mapalad na lotto winner ay napag-alamang isang karpintero na nagsa-sideline bilang barangay tanod sa Barangay Almanza sa Las Piñas City.

Nahagip ng isang ticket na nagkakahalaga ng P20 na taya niu Manoy ang kumbinasyong 05-09-19-26-30-45 na may katumbas na premyong P356,552,817.20.

Ang ticket ay itinaya ng 60-anyos na Bicolano sa isang lotto outlet na pag-aari ni Leo Imatani sa Almanza II noong Miyerkules, Hunyo 1, matapos na matiyagang pumila sa dami ng mga mananaya.

Ayon kay PCSO general manager Jose Fernandez Rojas II, batay sa panayam niya sa lucky winner na nagsadya sa PCSO main office sa PICC Compound, Pasay City ay lilisanin niya at ng kanyang pamilya ang tinitirahan nilang informal settler’s area at uuwi sa Bicol upang magpatayo ng bahay doon.

Magpupundar umano ang bagong multi-milyonaryo ng negosyo at bibigyan niya ng mga balato ang ilang kaibigan at mga kamag-anak.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply