Naging lalaki si Peter Pan dahil kay Sam Concepcion

IKINAGULAT namin ang tsika ni Menchu Lauchengco-Yulo, isa sa dalawang direktor ng “Peter Pan.” Ayon dito, ‘yung past staging ng Peter Pan ng Repertory Philippines ay babae ang gumaganap sa lead role.  Ilang beses na daw itong ginampanan ni Rachel Alejandro dahil kinakailangan sa isang Peter Pan ay maliit na tao, magaan at matining ang boses.

Pero sa taong ito, sa collaboration ng Stages Productions at Repertory Philippines, ibinagay ang istorya kay Sam Concepcion pati ang medyo husky voice nito.

Sam is now 18 at para sa aktor, it’s a childhood dream come true na gaganap siyang Peter Pan at mapapanood siya sa Meralco Theater starting September 29.

Dahil grown up na dito si Peter Pan, he needs a love interest. Pero bakit gan’un ang reaksyon ng nagbibinatang aktor, hindi makasagot sa tanong kung sino ang crush niya ngayon sa showbiz?

Hindi ba normal lang sa tulad niyang nagbibinata ang magkaroon ng crushes?

Lumalaking guwapo, nagkaka-abs at sikat kaya puwedeng isiping hindi siya mahihirapang manligaw pero bakit tonque-tied siya? Kasalanan ba sa katulad niyang maglitanya ng kanyang mga crush? May mawawala ba sa kanya?

Surely, it’s a plus factor sa kanyang pagiging hombre.

Kalokah, ilang press ang naghihintay ng kanyang sagot pero bakit gan’un ang aktor? Iba’t iba ang direksyon ng kanyang tingin,  pangiti-ngiti.
Ayyy, ayaw ng fans!

Kahit naman nagkiyeme-kiyeme na lang siya sa kanyang pagsagot ay maiintindihan namin. Ang daming puwedeng pangalanan liken the likes of KC Concepcion, Anne Curtis, Kim Chui, Maja Salvador at kung gusto nitong isama sa listahan si Gretchen Barretto, puwede rin dahil hanggang ngayon ay may nagkaka-crush pa rin dito.

But why o why, Sam?  Dapat sa iyo ay isang matinding briefing mula sa manager mong si Carlo Orosa bago ka humarap sa press sa nakaraang ng Peter Pan.

Sana sa susunod, sa press preview, magpaturo ka sa manager mo para kahit isa lang ay may mapangalanan kang ‘crush’ mo.
Sa totoo lang, may ilang nag-alisang press dahil ayaw talaga nitong magsalita, walang mapiga sa kanya. Pero kami who doesn’t stop at ‘NO’ answer, tinanong namin siya kung bibigyan siya ng solo project, sino ang gusto nitong maging love interest?  “Si Jessey Mendiola o Empress,” ang matipid nitong sagot.

Sa wakas, may sagot na si Peter Pan!

***

Joel Mendoza, bagung-bago sa recording pero iniintriga ng gay broadcaster

NALOKA naman ako kay Tita Swarding, para itong apparition na biglang sumulpot sa aming kabisihan sa pagpo-post sa aming Facebook account.  Pinadalhan kami ni Ogie Cruz ng mga pictures ni Joel Mendoza, isang balikbayan singer and composer.  Katunayan, ang sampung songs na napapaloob sa kanyang Move Me album ay puro sarili niyang komposisyon.

Nasa San Diego ngayon si Joel who’s attending to his business at babalik sa July for the radio and TV promo ng kanyang album.  Sa tanong ni Tita Swarding kung sino itong mang-aawit, sabi namin, dating mainstay dancer noon ng “The Maricel Soriano Show” at bilang singer, winner siya sa “The Nida-Nestor Talent Search Show” noon.

For greener pasture kaya siya nangibang-bansa.  He was on top as an insurance underwriter sa New York at nakapagpatayo ng isang ballroom studio sa San Diego, California, USA.

Palibhasa born singer si Joel, hindi nito maiwan-iwan ang pagkanta at dahil dito, marami siyang mga composition kaya naisipan nitong i-record.
Tinawagan nito si Vehnee Saturno to ask for help. Hence, Move Me album was born and it’s under Saturno Music Productions and distributed by Viva Records.

Heto na ang nakakalokah, ayaw paawat si Tita Swarding sa katatanong kung sino talaga ang baguhang recording artist hanggang siya na mismo ang nagsabi na familiar siya sa face ng singer at nakakalokah ang oneliner nito, “Isa siyang late bloomer!” May gan’un Tita Swarding?!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply