Nagsampay ng alagang tuta kinasuhan na

SINAMPAHAN na ng kaso ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang binatilyo na nagsampay ng kanyang alagang tuta sa sampayan.

Una nang binatikos si alyas Don matapos i-post sa kanyang Facebook acount ang nakaipit na tuta sa sampayan.

Ayon sa grupong PAWS, paglabag sa RA 8485 o Animal Welfare Act ang ginawa ng binatilyo sa tuta kaya kinasuhan nila sa piskalya sa Calamba, Laguna.

Una rito, humihingi na ng paumanhin si Don at todo pagsisisi sa kanyang ginawa.

Sinabi ni Don na wala siyang intensyong makasakit at sadyang wala lang siyang magawa kaya nagbiro sa ganoong uri ng paraan.

Nabatid na ilang segundo ang itinagal nang pagkakasampay sa alaga nitong si Whitey at kinuha rin matapos picture-ran sa iba’t ibang anggulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply