Mga tindera ng bangus, tilapia umiiyak na

SA KABILA ng pagtiyak ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na ligtas kainin ang mga isda sa Navotas fish port, lalo na ang bangus at tilapia, patuloy na umiiyak ang mga miyembro ng grupo ng Navotas Fish Traders Association mula sa Market 1 hanggang 5 sa Consignacion dahil tuluyang bumagsak ang kanilang kita nang pumutok ang fishkill sa bansa.

Nabatid kay Boy Charing, bise presidente ng naturang grupo, dismayado pa rin sila sa patuloy na pag-iwas ng kanilang mga parokyano na bumili ng bangus. Daan-daang libong piso na umano ang nalulugi sa mga umaangkat.

Isa rin sa pinakaapektado ay ang St. Joseph, na 30 taon nang broker ng bangus sa Market 1 at 2 sa Navotas Consignacion. Nanggagaling umano ang mga bangus na kanilang ininenegosyo sa mga lalawigan ng Batangas, Ilocos Norte, Pangasinan at Laguna.

Kaugnay nito, tahasan na sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na ligtas na ngayong kainin ang bangus at wala na ang kinatatakutang fishkill. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply