Nagtsismis ng P100-M binuweltahan ni Lacson

BINUWELTAHAN ni Sen. Panfilo Lacson ang mga bumabatikos sa mga miyembro ng Senado na sinasabing nasuhulan ng P100 milyon bilang dagdag sa kanilang pork barrel kapalit ng pagpabor sa pagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na nakatakda sana sa Agosto 8.

Sinabi ni Lacson, na simula pa noong taong 2002 ay hindi na tumanggap ng pork barrel, na siya ang unang magrereklamo kung dinagdagan ang pork barrel ng mga senador.

“I am the best argument against insinuations of a P100-million pork dangle for senators who voted in favor of postponing the ARMM election,” diin ng senador.

Tinuran pa ni Lacson na ang sinumang nagpapakalat ng nasabing isyu na mga “cry babies” na umano’y ngawa ng ngawa dahil hindi matanggap ang naging resulta ng botohan sa Senado pabor sa ARMM postponement bill.

“The accusation being spread by the ‘crybabies’ who cannot accept the democratic vote in the Senate to postpone the ARMM elections is nothing but a canard,” katwiran ni Lacson.

Matatandaang ang hindi pagtanggap ni Lacson ng kanyang pork barrel mula sa General Appropriations Act ay dahil umano nagagamit ito sa katiwalian.

Mas mainam pa umanong ibalik na lamang niya ito sa National Treasury, kung saan nakakapagtabi ang gobyerno ng halagang P1.8 bilyon sa pondo.

Base sa naging botohan hinggil sa ARMM postponement bill, pinanindigan ni Lacson na siya’y bumoto pabor sa nasabing panukala base sa kanilang naging debate sa plenaryo at hindi sa umano’y suhol ng Malakanyang.

Una nang inaprubahan ng Senado sa botong 13-7 pabor sa pagpapaliban ng eleksyon sa ARMM at nadesisyunan na isabay na lamang ito sa halalan sa Mayo 2013.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply