NAIA nakamonitor sa scarlet fever

MAHIGPIT na mino-monitor ng mga tauhan ng Bureau of Human Quarantine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga pasaherong nagmumula sa Hong Kong para makatiyak na walang dala itong bagong sakit na dumapo sa dating British Colony.

Ayon kay Dr. Lloyd Carmona, ang bagong sakit ay ang scarlet fever na kilala rin sa tawag na “scarlatina.”

Ito ay uri ng sakit na dala ng bacteria, ang streptococcus o grupo ng strep na parehong bacteria na nagdudulot ng strep throat.

Nabatid na ang scarlet fever ay nakukuha mula sa isang apektadong tao at nakakahawa sa pamamagitan ng ubo o laway.

Ang sakit ay kumakalat kapag nagkaroon ng contact sa isang taong inuubo o nagbabahing o yung mga nahawakan ng taong apektado ng Scarlet fever, ayon pa kay Carmona.

Unang na-report ang Scarlet fever sa Hong Kong makaraang mamatay ang isang limang taong gulang na bata na pinaniniwalaang pangalawang tao na biktima ng nasabing sakit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply