Nakatatakot yang CCT na umaabot na sa 2M pamilya

DINIG na dinig o kitang-kita na ang darating na State of the Nation Address sa buwan ng Hulyo ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Nangyari ito kahapon sa Ulat sa Bayan ni PNoy sa pagtatapos ng isang taon niya bilang Boss ng mahal kong Pinas.

Siyempre pa, magandang pakinggan ang sinabi ni PNoy na “Kayo pa rin ang Boss ko!”

CONDITIONAL CASH TRANSFER

May napansin lang tayo na atin na ring kinatatakutan.

Yun bang == paglaki ng bilang ng mga nagpapalista sa Conditional Cash Transfer.

Mula sa daan-daang libo hanggang isang milyon kay Gloria, umabot na ito sa dalawang milyon. At may mga humahabol pang nagpapalista.

Hanggang ilang benepisyaryo ang kayang sagutin ni Sec. Dinky Soliman?

Ang pagkakaalam kasi natin, halos lahat na ng traysikel driver, nakararami sa jeepney driver, vendor, libo-libong namamasukan sa manukan at piggery, libo-libong namamasukan sa mga maliliit na restawran at mga kontraktuwal ng mga malalaking mall, mga magsasaka at mangingisda, at ang mga nasa konstruksyon ay kabilang sa mga poorest of the poor.

CCT PALOLOBOHIN

Nararamdaman na yata ito ni Ms. Dinky kaya naman ngayon pa lang ay humihingi na ng karagdagang pondo mula sa P21 bilyon sa P23 bilyon.

Paano kung totoo ang sinasabi ng iba na 60 porsiyento ng mamamayan ang anemic dahil sa kakulangan ng makain? Palatandaan yan, mga Bro, ng sobrang kahirapan at gutom sa Pinas.

Eh ang taong nagugutom pa naman, kung umabot na sa sukdulan, eh, hindi nakakikilala ng Diyos.

O hindi ba nakatatakot yan, huh, Ms. Dinky?

Kaya, kayod pa, Madam Dinky. Pero hanggang saan aabot ang pagkakayod natin para maiangat ang kalagayan ng mga nagugutom at naghihirap kung ang katuwang natin laban sa sakit gaya ng anemic na palatandaan ng gutom at kahirapan, eh, nalululong naman sa korapsyon?

ANG PCSO

Sa mga salita ni Manoling Morato, makaraang akusahan ng mga nasa PCSO ngayon sina Gloria ng korapsyon, may isang pamilya riyan na gustong magpasasa sa pondo ng PCSO kaya kinokorner nila ang suplay ng wheelchair, at pati yata ang gagamiting makina sa Loterya ng Bayan at iba.

Paano yan, Ms. Dinky?

oOo
Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply