Nalula sa taas ng tower, Kano naduwag sa suicide

UMURONG sa tangkang pagpapakamatay ang isang Amerikano nang malula sa taas ng Mactan Channel sa Lapu-Lapu City, Cebu dahil sa pagkalugi negosyo.

Nabatid na tangkang talunin ng dayuhang itinago ang pagkakakilanlan ang 50 talampakang taas ng tower sa Macelo Fernan Bridge pero umurong nang malula sa taas.

“I wanted to jump, but it was scary,” saad ng dayuhan na tubong Alabama.

Nabatid na naisipan ng biktima na wakasan ang buhay dahil sa financial problem na nag-ugat ng pagkabangkarote ng kanyang resto-bar sa Basak, Lapu – Lapu City at ang hindi pa nare-renew na immigration papers.

Nabatid na aabot sa P20,000 ang bayarin ng Kano bukod pa sa P60,000 na renta ng kanyang resto-bar gayung ang laman ng kanyang bulsa ay P90 na lamang kaya nais niya umanong magpakamatay na lamang.

Bago umakyat sa tower ang Amerikano, nakita pa ito nina Zaldy Moreno at Ladon Quiño, maintenance ng nasabing tulay na inakalang ang coach ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Freddie Roach kaya sinundan nila para magpa-picture.

Subalit nagulat sila sa mga ikinilos nito lalo na nang tangkang tumalon pa sa gusali kaya agad silang humingi ng tulong sa pulisya.

Makalipas ang ilang oras ay nakumbinsi rin ang dayuhan na bumaba at huwag ituloy ang pagpapatiwakal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply