Namatay sa Meningo tinanggihan sa punerarya

WALANG masulingan ngayon ang pamilya ng isang lalaki na namatay sa sakit na Meningococcemia matapos tanggihan ng mga punerarya ang bangkay nito sa Marikina City.

Nabatid na noong Sabado pa namatay sa Marikina Valley Medical Center si  Benedict Jocson, 30, ng Exsequiel St., Concepcion Uno, subalit hanggang sa ngayon ay nasa morgue pa rin.

Ayon sa mga opisyal ng MVNC, noong Sabado pa ng gabi dinala ang biktima mula sa Amang Rodriguez Medical Center at sinuri nina Dr.  Alvin Silverio at Dr. Dennis Bonagua, kung saan ay mataas na umano ang lagnat at may pantal-pantal sa katawan.

Bigla na lamang umanong nagsusuka si Jocson at makalipas ang dalawang oras ay nalagutan ito ng hininga.

Ayon sa mga opisyal ng ospital, ang bangkay ay namatay sa sakit na nakakahawa kung kaya agad na itinuloy sa kanilang morgue at ibinalot.

Agad ring isinara ang emergency room at pansamantalang hindi tumanggap ng pasyente hangang hindi pa na sterilize ang buong kuwarto at ang ibang pasyente ay binigyan ng kaukulang gamot para hindi mahawa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply