Namatayan ng sanggol, todas sa sagasa

ILANG araw pa lamang nang mamatayan ng isang buwan na sangol ay sumunod naman ang nanay ng bata nang kaladkarin ng Toyota Grandia sa Quezon City,  Huwebes ng hapon.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center si Cheche Mira, 27, habang sugatan naman ang kasama nitong si Teresita Buna, 30, kapwa ng Nia Rd., Brgy., Pinyahan, nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-3 ng hapon.

Nabatid na bumili ng kandila ang biktima sa kabilang panig ng nasabing lugar kasama ang kanyang kaibigan nang pagtawid ay napansin nilang paparating ang Toyota van (BDB 416) na minamaneho ni Jimmy Almasan at agad silang inararo.

Ayon sa mga saksi, hawak pa ng biktimang namatay ang kadilang binili hanggang pumailalim at maipit sa binanggang pampasaherong jeep ng Toyota Grandia.

Nagtamo naman ng malalim na sugat sa ulo ang isa pa.

Pansamantalang nakapiit sa Quezon City Traffic Sector 3 ang akusado habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide na isasampa laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply