Namedropper na engineer mangingikil sa customs

SINO itong nagpapakilalang  Eng. Rico Abuter o mas kilala bilang Atty. Rico ng National Bureau of Investigation na nagne-name drop kina Executive Sec. Paquito Ochoa at DILG Usec. Rico Puno?

Kalimitang ginagamit na mga pangalan ni Abuter ay ang mga matataas na opisyal ng gobyerno, kabilang na sina Ochoa at Puno para makapanakot, makapangikil ng pera sa mga empleyado at opisyal ng Bureau of Customs.

Paboritong linya ng salita ni Abuter sa ginagawa niyang pananakot at pangingikil ay ang “ipatatanggal kita sa grupo pag ginulo mo ang shipments ko.” Bukod sa pangingikil sa Customs ay expert din si Abuter sa kikilan  sa mga contractor ng gobyerno.

Ang mga litanya naman ni Abuter, pag nangingikil siya sa mga contractor, ay ibibigay umano niya ang salapi sa mga “padrino” niya na magbibigay sa kanila ng projects o pabor upang madaling makakuha ng kontrata o proyekto.

Pero ang masakit nito, kapag nakikilan na ni Abuter ang mga contractor, ni isa raw  ay may natupad sa lahat ng mga pinagsasabi at  ipinangako nitong si Eng. Rico o Atty. Rico.

Marami na ang nauuto nitong si Rico gamit ang kasinungalingan at mga pangalan ng mataas na opisyal na kanyang ginagamit upang makadugas ng pera kapalit ng pangakong “favors” o pabor. (Itutuloy)

MAG-INA PADER SA BRGY. AT PULIS

BILIB naman ako sa lakas ng loob ng mag-inang sina Marina at Dandan na ang negosyo ay peryahan na sentro naman ng pasugalan sa Cembo, Makati.

Mantakin ninyo, bukod sa iligal na sugalan ang ni-nenegosyo na  peryahan ng mag-inang ito ay walang takot na lantaran pang nag-ooperate ang mga ito malapit sa barangay hall at istasyon ng pulisya.

Mayor Jun-Jun Binay, ano ba yaaannn?!?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply