Nanagasa ng 18-anyos bebot arestado

ARESTADO ang driver ng pampasaherong jeepney na tumakbo makaraang masagasaan ang 18-anyos na babae sa Quezon City, Biyernes ng madaling-araw.

Dead on the spot si Vernaliza Nagas, ng Area 5 Porok 2, Laura St., Brgy., Old Balara, nasabing lungsod.

Agad namang naaresto ang naka-hit and run na driver na si Jose Tamor, 48, malapit sa Bayantel, Regalado Avenue Brgy., Fairview habang minamaneho ang kanyang jeepney ( TWZ-635) may biyaheng Market Kalaw vice versa Fairview.

Sa ulat ng traffic Sector 5 QCPD, naganap ang insidente sa Commonwealth Avenue, Laura St., Brgy., Old Balara, bandang 3:30 ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Alan Florendo may hawak ng kaso ng nasabing Traffic Sector, habang binabaybay ng akusado ang direksyon ng North Fairview patungo sa elliptical road, pagsapit sa nasabing lugar ay nakita niya ang biktima patawid mula sa kaliwa.

Nabatid na ayon sa akusadong si Tamor, urong-sulong ang biktima sa kanyang pagtawid kaya nalito siya at kanyang nahagip.

Ayon sa nakasaksi ng pangyayari na si Macky Elumin, 19, ng 7 South Susuarigue, Brgy., Old Balara, kitang kitang niya na matapos masagasaan ang biktima ay humarurot ng pagpapataKbo palayo sa lugar ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply