Nandaklot ng ari ng dalaga kalaboso

KALABOSO ang isang lalaki matapos daklutin ang ari at dibdib ng isang dalaga sa loob ng mall sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Amoy alak pa nang dalhin sa presinto si Joemel Corpuz, 27, ng Acacia, Malabon City.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Janice, 19, dakong alas-6 ng gabi habang nasa loob siya ng Victory Mall sa Monumento nang lapitan ng suspek at walang salitang dinaklot ang kanyang ari at dibdib.

Agad na lumayo ang dalaga saka nagsumbong sa mga sekyu ng mall dahilan upang damputin at dalhin sa presinto ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply