John Prats, Rachelle Ann Go kumpirmadong hiwalay na!

HOW sad naman ang balitang may namumuong romansa between co-hosts John Prats at Bianca Manalo of the noontime show aired daily on ABS- CBN, ang “Happy Yipee Yehey,” kaya hiwalay na ngayon sina John at Rachelle Ann Go. Although, dapat nga, masaya dahil kumpirmadong bagong loveteam of the year sina Blanca at John, ayan naman si Rachelle, muli na namang iiyak dahil for the third time, iniwan siya ng lalaking karelasyon niya.

Pinaiyak siya noon ni Gab Valenciano, so far ganun din ang nagging karanasan niya kay Christian Bautista. At heto nga pinagwelgahan na siya ni John Pratts.

Kumpirmado nga ang tsismaks na ito na pinagpipistahan sa mga talkshows sa TV. Ang kailangan na lang, magsalita ang sinuman kina John at Rachelle para maging official ang separation nilang dalawa.

Heto ka, may kuwento tungkol sa di umano’y pakikitungo nitong si Rachelle sa ibang lalaki kaya tinabangan na si John. Isa pa yung ayon daw kay John, parang may kulang sa isinusukling pagmamahal sa kanya ni Rachelle. “Hindi siya buo,” sabi pa raw ni John Prats.

Hindi buo? Ano kaya yun?

***

Aljur Abrenica Dyuts?

WE ARE attaching a not so old photograph of Aljur Abrenica in this column item. Yes,kitang–kita sa lumang litrato ni Aljur ang matinding pagkakaiba ng hitsura niya ngayon. Although, cutesie naman talaga si Aljur kahit na noon pa, mas gumuwapo siyang tingnan nowadays. Maybe because nagkaroon siya ng abs at higit sa lahat, ayan at nagkaroon ng meat ang katawan niya at very firm ang mga muscles niya. Salamat din sa regular workout ni papa Aljur kaya niya na-achieve ang kanyang almost perfect physical form.

And most of all, Aljur’s legs have been one of the best male legs in the industry, or so far, the best ever I’ve seen in all the men I encountered. You see, this writer loves good legs kaya number one talaga si papa Aljur sa amin.

Pero marami nga ang nakapansin, in some ways, Aljur’s face has been altered a bit.  Kitang-kita raw na tumangos ang ilong niya na kumipot talaga’ng kanyang nosetrills, nawalan siya ng panga na tila natapyasan na nga. Kaya talagang ngayon, mukhang kumpleto na, guwapong-guwapo na si Aljur.

Salamat po doctor beauty kaya siya?

And speaking of Aljur, may pumupuna na daya raw ang mga eksena niya sa “Temptation Island.” Madi-discourage raw ang mga manonood ng movie dahil talagang di magpapakita ng kaseksihan ang guwapong Kapampangang aktor. Instead, sa isang eksena, nakamaong shorts ito na talaga namang wala kang bakat na makikita.
Yes, he is shirtless in that scene pero paano mo naman pagpapantasyahana ang isang naka-short ng maong? Walang bakat, walang pubis, at higit sa lahat, dinaya lang ang kaseksihan.

In stark contrast sa original na gumanap sa kanyang role na si Alfie Anido,  kuntodo, bakat na bakat na white undie ang suot nito in that particular scene. Sa isang internet site, nakita namin ang orig na picture ng eksena at talaga namang very appealing ang hitsura ng suot na white undies ni Anido.

Kaya gusto ng mga maka-Aljur, i-reshoot daw ang eksena at pilitin si Aljur na magsuot ng putim-puting shortie para bumakat ang kaseksihan ng kanyang pagkalalaki. (Ang tanong, meron ba? Hahaha! – Ed)

Paging Mother Lily and direk Chris Martinez!

***

Mga bading sa malaking network halinhinang minolestiya ang isang aktor!

MGA baklang may posisyon sa isang malaking network ang sangkot sa isang eskandalong kasaluyan nang pumuputok. Mabilis ang pagkalat ng eskandalo tungkol sa isang young actor wannabe na pinagtulungang molestiyahin ng mga bading na exec sa isang giant network.

Alaga raw ng isa pang exec ang bata na ibinugaw sa mga kasamang bading sa isang birthday party. October pa raw naganap ang krimen at hindi na sana papalag ang bata dahil ipinagpasa-Diyos na lang niya’ng nangyari. Pero siya pa yata ang kinagalitan ng kanyang manager dahil nakarating sa ibang bibig ang nangyari. Pati nanay daw ng bata, sinita pa ng manager na nag-imbestiga, tinanong ang anak at doon nga nalaman ang totoong nangyari. Nagtapat ang bata sa ina at sinabi ang ginawang kababuyan sa kanya ng mga bading na nagsapa-sapakat para maisagawa ang maeskandalong krimen.

Nilasing nga raw ang aktor sa isang party. Komo nakikisama, nakiinom ang bata hanggang malasing. Yun na, iniuwi raw ito ng mga bading sa bahay ng isang assistant na bading ng isang sikat na aktres at doon nga pinaghalinhinang susuhin ng mga bading na itatago natin sa mga pangalang Darna at Louise Lane. Staff ng isang talkshow ang dalawang ito at medyo may pagka-exec nga’ng position nila, pero yung mas mataas na exec ang nagbugaw sa kanila upang masali ang bata sa molestiyahan party.

Ngayon daw ay kinakausap na ng nanay ng bata ang kanyang abugado, isasampa na raw ang krimen at dahil member pala sila ng isang relihiyon na may malaking mass base, idudulog din daw nila rito ang problema. Tiyak, pag nangyari na’ng lahat ng ito, pati giant network, madadamay dahil laging mababanggit ito komo nga mga tauhan nila ang mga bading na sangkot sa molestiyahan blues.

Itago natin sa mga pangalang Roxanne at Frida Fontana ang dalwang baklang dyugaling na nagtulak sa bata upang lasingin ng dalawa pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply