Nangursunada ng dyowa ng iba tinusok

KRITIKAL ang isang kelot matapos saksakin ng lalaking kasama ng kanyang kinursunadang bebot sa loob ng isang eatery sa Valenzuela City, Martes ng gabi, Mayo 31.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Ramonito Agripana, 26 ng Servando St., Mapulang Lupa, nasabing lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Merbert Feliciano, 26 ng Natividad St., Mapulang Lupa.

Sa ulat, dakong 11 ng gabi, kainuman ng suspek ang isang bebot na hindi na nakuha ang pangalan sa Jetrho Eatery sa Servando St., Mapulang Lupa nang magpunta sa banyo si Feliciano upang umihi.

Nang bumalik si Feliciano ay inabutan niya si Agripana na katabi at kausap na ang bebot na naging dahilan upang sitahin ng suspek ang biktima.

Dahil dito, lumabas ng eatery ang biktima subalit sinundan siya ng suspek hanggang sa magsuntukan. Dito na rin bumunot ng patalim si Feliciano at pinagsasaksak si Agripina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply