Nanitang sekyu, pinagbabaril, patay

TODAS ang isang sekyu nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang salarin na sinita ng una dahil sa pag-iikot sa binabantayang subdibisyon sa Caloocan City, Linggo ng gabi, Hunyo 13.

Dead-on-arrival sa Lourdes General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rolly Peralta, 41, stay-in sa Llano Vista Verde II, North Executive Ville ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-otso ng gabi, sinita ng biktima ang suspek sa Gate 2 ng nasabing subdibisyon dahil sa pabalik-balik nito.

Walang salitang nagbunot ng baril ang salarin at pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply