Nanuksong supot, patay sa suntok

TIGOK ang isang kelot matapos suntukin ng katukayong tinuksong supot sa Caloocan City Biyernes ng hapon, Hunyo 10.

Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hospital, sanhi ng pinsala sa ulo, si Cristopher Pirante, 33, ng Papaya St., Camarin ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Cristopher Urtua, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-kuwatro ng hapon, nakatayo ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang lapitan ng suspek at dalawang beses sinuntok sa ulo habang nakasuot ng iron knuckles (four fingers).

Nawalan ng malay ang biktima na naging dahilan upang isugod sa nasabing ospital habang tumakas naman ang suspek.

Nabatid na bago ang insidente ay tinawag na supot ng biktima ang suspek na ikinagalit naman ng huli.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply