Nasisitang iligal na naninigarilyo 4,786 na

UPANG maipakitang seryoso sa kanilang kampanya laban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, ipi-nost ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang website ang bilang ng mga naaaktuhan at nasisitang “yosi kadiri” na umaabot na sa mahigit  4,786.

Nabatid buhat kay MMDA Chairman Francis Tolentino, sa Hulyo pa sisimulan ng ahensya ang aktuwal na panghuhuli sa mga “smoker” matapos ang isang buwang “information campaign.”

Papatawan ng P500 multa ang mahuhuli o katumbas na walong oras na “community service” kung walang maibayad.

Bukod sa mga “smoker,” nakapaskil din sa naturang website ang bilang ng mga Filipino na walang habas sa pagtatapon ng basura kung saan-saan na umaabot na sa 48,178 nitong Lunes (Hunyo 13).

Naka-post din sa website ng MMDA ang mga pangalan ng mga “billboard violator” at larawan ng mga behikulong nahuhuli sa camera na nag-o-overspeeding sa Commonwealth Avenue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply