Navotas ‘di ininda ang bagyong Falcon

SA KABILA ng lakas ng ulan dala ng bagyong Falcon, walang inilikas na residente sa Navotas dahil sa kanilang mga pumping station na nakakalat sa nasabing lungsod.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, simula ng gumana ang kanilang 23 bombastic pumping station ay hindi na sila masyadong nagagambala sa tuwing may malakas na bagyong hahagupit sa ating bansa.

Sa pamamagitan kasi ng bombastic pumping stations ay madali na nilang naibabalik sa dagat ang tubig ulan dahilan upang hindi na masyadong nakakaranas ng matinding pagbaha ang naturang lungsod.

Bago nagkaroon ng bombastic pumping stations ay nakilala ang Navotas sa pagkakaroon ng matinding pagbaha hindi lamang sa tuwing may parating na bagyo kundi maging kapag nagkakaroon ng high tide.

Dahil dito, pinondohan ng lokal na pamahalaan ang mga nasabing pumping stations dahilan upang hindi na masyadong nakakaramdam ng matinding pagbaha ang lungsod. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply