Player ng NBA champ Mavs arestado

INARESTO ng Dallas police ang isang miyembro ng NBA champion Dallas Mavericks matapos itong mahuli dahil sa sobrang kalasingan.

Ang naturang player ay si DeShawn Stevenson, isang shooting guard ng Mavericks.

Malaki ang naging papel ni Stevenson sa pagkakampeon ng Dallas laban sa Miami Heat nitong Lunes, Hunyo 13 (petsa sa Pilipinas) dahil sa pagiging sharp shooter nito at sa angking galing sa depensa.

Nabatid na hindi umano alam ng NBA player kung papaano ito inaresto. Kaagad naman nakalabas si DeShawn dahil sa nakapagpiyansa ito.

Hanggang sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng Mavericks management hinggil sa pagkakaaresto ng isa sa kanilang team member.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply