NBI pasok sa imbestigasyon sa pagpatay sa 2 bebot sa QC

PAPASOK na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawang magkasunod na insidente ng pagpatay sa dalawang babae sa lungsod ng Quezon nitong nakalipas na Linggo.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, pormal siyang magpapalabas ng direktiba para kay NBI Director Magtanggol Gatdula para magsagawa ng parallel probe sa kaso ng pagpatay kina Marie Teresita Leano at Sheryl Sarmiento.

Ginawa ni de Lima ang pahayag kasunod na rin ng apela ng mga kaanak ng biktima na personal na magtungo sa DOJ kaninang umaga.

Sa idinaos na pulong balitaan sa DOJ, sinabi ni Jonas Sarmiento, asawa ni Sheryl, na umaasa siya sa tulong ng NBI para mas mapabilis ang pagresolba sa kaso ng kanyang asawa.

Ganito rin ang naging pahayag ni Atty. Odon Teano, ama ni Teresita, lalo pa’t ang kanyang anak aniya ay nagtatrabaho sa Land Registration Authority (LRA) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pagkadismaya si Atty. Teano sa mga insidente ng karahasan sa Lungsod ng Quezon partikular na sa bahagi ng Kamuning kung saan pinaslang ang kanyang anak matapos karnapin ang sasakyan dahil malapit lamang ang lugar sa Station 10 ng Quezon City Police District.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply