NCAA Season ‘87 sasambulat sa Big Dome

ISANG makulay na opening ceremonies ang nakalaan sa NCAA Season ‘87 sa Araneta Coliseum sa Sabado, Hulyo 2, sa paghaharap ng defending champions San Beda at bagong saping Perpetual Help, alas-dos ng hapon, na susundan ng laro ng San Sebastian College laban sa Jose Rizal University bandang alas-kuwatro at ang third game sa pagitan ng Mapua Cardinals at San Juan de Letran.

Ang ten-team composition ay nabuo sa paglahok ng Perpetual Help Altas ni president Anthony Tamayo na siya ring tatayong host sa 87th season. Tampok na panauhin si Saranggani Congressman Manny Paquiao na magbibigay ng kanyang opening speech bandang ala-una ng hapon.

Ipinangako ng Perpetual Help na magbibigay sila ng disenteng kampanya, sa kabila ng pagreresign ni Coach Boris Aldeguer dahil umano sa hindi pagbibigay pahintulot ng liga na makapaglaro ang 6’5” recruit na si Paul Nuilan na makapaglaro sa kasalukuyang season. Pansamantalang tatanganan ni Jimwel Gican ang koponan.

May problema ang Red Lions dahil sa pansamantalang hindi makalalaro ang kanilang star player na si Sudan Daniel, na may pinsalang dinadala.

Malaking hamon para sa team ni Coach Frankie Lim ang kawalan nang 2010 most valuable player na nagbibigay panganib sa pagtatanggol nila sa korona.

Samantala, ang San Sebastian Stags ay muling tatanganan ng nagbabalik na head coach na si Arturo Valenzona, habang ang Mapua Cardinals na itinuturing na isang malakas na team ay gigiyahan naman ni Coach Chito Victolero na ipaparada ang 6’7” na Fil-Palestenian Yousef Taha, bukod kay veteran guard na si Allan Mangahas.

Ang ex-champion na San Sebastian Stags ay kabibilangan pa rin nila Calvin Abueva, Ronald Pascual, Ian Sangalang at Anthony Del Rio na nakakuha ng malaking eksperyensiya sa katatapos na PBA Developmental League.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply