Mga klase sa NCR suspendido

IDINEKLARA ng Department of Education (DepEd) na suspendido na ang klase sa pre-school, elementary at high school sa Kalakhang Maynila dahil sa magdamag na pag-uulan.

Nagdesisyon ang DepEd na suspendihin ang klase dahil sa anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na makararanas ng pag-ulan ang National Capital Region sa buong maghapon.

Nabatid na ang naturang pag-uulan ay gawa ng low pressure area na matatagpuan sa South China Sea na makaaapekto nito ang mga lugar sa bansa.

Samantala, nagdeklara rin ang ilang lokal na pamahalaan ng Batangas sa pagsuspinde sa mga klase sa pre-school, elementarya at high school dahil din sa sama ng panahon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply