Negosyanteng 22 taon nagtago, naaresto

MATAPOS ang may 22 taon na pagtatago ng isang 63-anyos na negosyante ay napasakamay rin ito ng mga elemento ng Manila Police District-Warrant Section dahil na rin sa tatlong nakabinbing warrant of arrest nito.

Si Francisco Datol, nakatira sa B 15 Lot 3 Grieg St., North Olympus, Quezon City at umano’y kasapi sa talunang partylist ng mga Senior Citizen ay tumangging magbigay ng kanyang reaksiyon dahil sa biglang pagtaas ng kanyang presyon at pagkahilo.

Nabatid kay Manila Police District-Warrant at Subpoena Section P/C Inspector Edgardo Carpio na dakong alas-10:30 ng umaga nang maaresto si Datol sa panulukan ng Quezon Avenue at Timog, Quezon city.

Ayon kay SPO4 Arthur Landayan at SPO4 Juanito Carandang, may tatlong standing warrant of arrest ang suspek – dalawa para sa kasong illegal recruitment at isa sa estafa noong Abril 19,1989.

Ang mga warrant of arret ng suspek ay ipinalabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 8 ng Batangas City.

May inirekomenfdang P160,000 na piyansa para sa suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply