Negosyante ‘nasalisihan’ sa mall

HINDI sukat akalain ng isang negosyanteng babae na sa loob pa ng isang kilalang food chain siya mabibiktima ng Salisi Gang na tumangay sa kanyang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera, alahas at mamahaling cellphones Biyernes ng hapon sa bayan ng Taytay

Kinilala ni Taytay police chief Supt. Arthur Masungsong ang biktima na si  Glenda Benitez, 29, dalaga at residente ng  Camella St., Summerfield East, Barangay Dolores ng nasabing bayan.

Sa ulat, dakong 3:45 ng hapon sa Chowking na matatagpuan sa loob ng SM City sa Taytay, Rizal naganap ang insidente.

Nabatid na kumakain ang biktima sa nasabing fast food chain kasama ang kanyang ina at kapatid nang masalisihan siya ng hindi pa kilalang suspek.

Kabilang sa mga natangay ay P50,000 cash,  YSL wrist watch na nagkakahalaga ng P50,000, gold earings na nagkakahalaga ng P20,000, tatlong cellphones na nagkakahalaga naman ng P56,000, dalawang credit cards, ATM cards, susi ng kotse at iba pang personal na gamit ng biktima.

Inaalam na nang pulisya kung mayroong CCTV Camera ang nasabing mall para matukoy kung sino ang mga salarin. Jhie Convocar

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply