Negosyante nadale ng Akyat-Bahay

ISANG negosyante ang nanlumo matapos datnan ang bahay nitong bukas ang pinto at nawawala ang mahahalagang gamit, alahas at salapi na nagkakahalaga ng P1.6 milyon.

Nakilala ang biktima na si Irma Tagalogin, 38, negosyante ng Bacoor, Cavite.

Ayon sa salaysay ni Tagalogin sa pulisya, galing umano ang kanyang pamilya sa bakasyon at nang makabalik sa kanilang bahay ay nakita nilang bukas na ang pintuan at sira ang lock nito.

Nang pumasok sila sa loob ng bahay ay natagpuang nagkalat ang mga gamit at nawawala ang kanyang Apple laptop na nagkakahalaga ng higit P100,000, mahahalagang gamit, mga alahas at cash na umaabot ng P20,000.

Kaagad nagsagawa ng follow-up operation ang Bacoor police para mahuli ang mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nambiktima sa pamilyang Tagalogin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply