Negosyante patay sa sariling baril

PATAY ang 41-anyos na negosyante matapos di sinasadyang maputukan ng kanyang nililinis na baril, Lunes ng tanghali sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Roderick Valleser, ng Blk 2 Lot 42, 2nd St., Port Area, Maynila.

Ayon kay Macaraeg, naganap ang insidente Lunes ng tanghali dakong 12:30 ng tanghali sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Nabatid na abala si Valleser sa paglilinis ng kanyang .45 kalibre ng baril na pag-aari ng biktima nang hindi sinasadyang pumutok at aksidenteng tumama sa kanyang katawan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestiagsyon ng pulisya kung may foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply