Negosyante tepok sa nakamotorsiklo

ISANG 45 taong gulang na negosyante ang pinaslang nang isang salarin na nakamotorsiklo sa lungsod ng Caloocan.

Nagtamo ng si si Nieves Toledo ng dalawang tama ng bala sa katawan na siyang ikinamatay nito habang nadamay din ang kasama ni Toledo na si Gloria Samson na tinamaan din sa leeg.

Ihahatid umano sana ng biktima si Samson gamit ang dyip nito nang biglang may dumaan na nakamotorsiklo lulan ang hindi nakilalang salarin at pinaputukan ang mga ito.

Patuloy pang inaalam ng pulisya kung anong motibo sa pagpaslang.

Nabatid na si Toledo ay nagmamay-aring isang carenderia sa Bagong Silang at isang beerhouse sa Bulacan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply