Negosyanteng babae nilooban, pinatay

ISANG negosyanteng ginang na hiwalay sa asawa ang hinihinalang pinsok ng mga magnanakaw ang pinatay matapos na pagnakawan sa lalawigan ng Capiz.

Base sa report na nakalap mula sa PNP Command Operation Center sa Camp Crame, patay na nang matagpuan  ang  biktimang si Rosemarie Demalata, 53, sa loob ng banyo sa kanilang bahay sa Baragay Capagao, Panit-an, ng nabangit na lalawigan.

Sa pagsisiyasat ng PNP SOCO, natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa loob ng banyo ang biktima na may sugat sa leeg at duguan.

Sa salayasay ni Jodelyn Anisco, pinsan ng biktima, positibong tinangay ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin ang pera at mga alahas ni Demalata.

Hinala ng mga pulis ay tatlo hanggang apat na salarin ang pumasok sa loob ng bahay at naghalughog sa kabahayan at nagsagawa ng pagpatay.

Ayon kay Anisco, kinabahan sila sa hindi pagsagot at paglabas ng biktima sa kabila ng sunud-sunod na pagtawag ng driver ng kanilang jeepney kaya pinasya na nilang buksan ang gate at pasukin ang bahay.

Napag-alaman na walang kasama sa bahay ang biktima na hiwalay na sa asawa. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply