Negosyo ng isda lumamlam sa fishkill

BUMAGSAK ang kalakalan sa pangingisda makaraang salantahin at mangamatay ang mga isda sa lawa ng Taal sa Batangas at Pangasinan.

Dahil dito umaasa  naman ang Department of Trade and Industry (DTI) na tatagal lamang ng hanggang dalawang buwan ang epekto ng fishkill sa bansa.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, isa sa mga naging epekto ng fishkill ay ang paglipat ng mga consumer sa gulay dahil sa naglipanang ipinapuslit na “botchang bangus.”

Samantala, tiniyak ni Domingo na kontrolado pa rin nila ang sitwasyon dahil mas mura pa rin naman ang presyo ng gulay kumpara sa karne.

Naniniwala rin si Domingo  na pansamantala lang ang paglaylay ng industriya ng isda lalo na ng bangus at tilapia.

Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng isda sa bansa lalo na sa mga bangus at tilapia.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang dahilan para mag-alala ang publiko dahil may ibang rehiyon na magpupuno sa suplay ng isda sa mga lugar na apektado ng fishkill kabilang na ang galing sa Quezon at sa Region 6.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply