Ngusuan sa Cotabato floods kinastigo ng Senado

KINASTIGO ng isang lider sa Senado ang pagtuturo-turuan ng ilang ahensiya at opisyal ng pamahalaan sa pagbaha sa Cotabato sanhi ng water hyacinth o water lilies na bumabara sa daluyan ng tubig.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, dapat magbigay ng status report ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kalagayan ng lahat ng ilog sa buong bansa na puwedeng ilahok sa disaster risk reduction and management mechanism ng gobyerno.

Partikular na tinukoy ni Sotto ang nangyaring malawakang pagbaha sa Cotabato sanhi ng pagbara ng water lilies sa Rio Grande de Mindanao na tila nagtuturo-turuan ang ilang ahensiya at opisyal ng pamahalaan kung sino ang responsable rito.

Sinabi pa ni Sotto na dapat magbukas sa kaisipan ng pamahalaan partikular ang DENR at publiko ang insidente sa Cotabato na dapat pahalagahan ang kailugan o sapa hindi lamang sa konserbasyon ng likas na yaman kundi maging bahagi ng nabigasyon o pangingisda.

Sa huling ulat, lumilitaw na mula sa 19 pangunahing river basin sa bansa, sampu ang nananatiling marumi o polluted dulot ng mataas na antas ng biochemical oxygen demand (BOD), pamantayan sa pagsusukat ng polusyon sa tubig.

“Probably, Malacañang can replicate what the government did during the Roxas administration, creating a committee that investigated the use of rivers, obstruction and pollution of streams, closing or partial obstruction of many streams and their conversion into fishponds,” giit niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply