NLEX Road Warriors vs FCA Cultivators ngayong gabi

SASAGASAAN ng NLEX Road Warriors  ang landas tungo sa pagsasaayos ng semi-finals showdown laban sa Max Bond Superglue Sumos sa salpukan nila ng FCA Cultivators mamayang gabi habang magbabanggaan naman ang Max Bond Sumos at Blackwater Elite sa PBA D-League Foundation Cup sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang star-studded na Road Warriors ni coach Boyet Fernandez ay hindi nagtitiwala laban sa Cultivators ni Coach Arsenio Dysangco sa kabila ng tangang 5-1 win-lose sa Group A.

Ipaparada nila ang mga player na sina Erick Salamat, Calvin Abueva, Ian Sangalang at ang Fil-Am forward na si Clifford Hodges.

Ang Max Bond Sumos ni Coach Pido Jarencio at ang Black Water Elite ni Coach Leo Isaac na pangungunahan ni Gio Ciriacruz ay kapwa magkapantay sa lakas at ang panalo ay dedepende sa break of game.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply