No. 1 Smart-Gilas vs No. 4 Syria

smartgilas1

TUMAPOS ng first at second place ang Al-Riyadi ng Lebanon at ang defending champion Mahram ng Iran, habang tinanghal na top teams ang PHL Smart-Gilas at Applied Science University (ASU) ng Jordan sa Group A sa 22nd FibaAsia Champions Cup.

Bunga ng mga laro kahapon na kung saan tinalo ng Iran ang Al-Rayyan ng Qatar, 81-64, at tinambakan ng Al-Riyadi ng Lebanon ang Al-Jalaa ng Syria, 86-73 at sa huling game ng mga Astigs sa Group A nang payukuin ng RP nationals ang Jordan sa makapigil-hiningang 76-74 ay maghaharap bukas ang Smart-Gilas at ang No. 4 na Al-Jalaa ng Syria, habang babangga ang Lebanon sa Duhok ng Iraq.

Ito ay kasunod ng isang araw na pahinga ngayon, Huwebes, Hunyo 2.

Sa laro ng Smart-Gilas at ng ASU ng Jordan, si Visayan cager Dondon Hontiveros ang tinanghal na Best Player of the Game na nataon sa kanyang kaarawan.

Nagpaulan si Hontiveros ng sunod-sunod na three-pointers sa kanyang pinakamagandang laro sa koponan ng Pilipinas sa loob ng apat na araw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply