Paggamit ng cellphone habang nagmamaneho ibabawal

LUSOT na sa Kamara de Representantes ang pagbabawal sa paggamit ng cell phone habang nagmamaneho.

Nakapaloob ang panukala sa inihaing House Bill no. 4571 ni Rep. Susan Yap (2nd District, Tarlac).

Nakasaad sa panukala na ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P10,000 at ipapawalang-bisa ang driver’s license.

Ani Yap, hindi lang ang mga nagmamaneho ang malalagay sa kapahamakan kundi pati na rin ang mga inosenteng mamamayan na maaaring madamay kung sakaling maaksidente ang pasaway na nagte-text habang nagmamaneho.

Aniya, ang kahalagahan ng paggamit ng cell phone ay hindi dapat manaig para tiyakin ang kaligtasan sa lansangan.

“Kailangan wala kang hawak na anupaman kundi ang manibela para hindi ka maistorbo sa iyong pagmamaneho. Ang paggamit ng cell phone o iba pang electronic devices habang nagmamaneho, lalo na ang texting o nagbabasa ng text messages. ay nakakawala ng concentration at focus ng driver sa kanyang pagmamaneho,” ayon naman kay  Rep. Romeo Acop, isa rin sa mga may-akda ng panukala.

Ang HB no. 4571 ay tatawagin ding “Anti-Mobile Communication Devices Use While Drving Act of 2011.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply