North Cotabato pinasabugan

NIYANIG ng pagsabog ang Kidapawan, North Cotabato, Lunes ng umaga.

Ayon kay North Cotabato Police Director Sr. Supt. Cornelio Salinas, naganap ang pagsabog dakong 8:20 ng umaga malapit sa tanggapan ng Commission on Audit at TESDA sa Barangay Amas.

Sa inisyal na pagsisiyasat, isang 60 millimeter mortar ang ginamit sa pagpapasabog at cell phone naman ang ginawang trigerring device.

Bagama’t naisabay sa flag raising ceremony, wala naman anyang nasugatan sa insidente dahil inilagay ang bomba sa isang isolated na lugar.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang grupong nasa likod nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply