Nova Villa nawala sa uso!

NAGKAROON kami ng tete-a-tete lately with Nova Villa at marami siyang na-dispel outright sa amin.

Isa nito ay never siyang naging bitter sa pag-alis niya sa ABS-CBN as alleged ng ibang malabigang movie reporters pagkatapos niyang mamamayagpag ng 38 years sa walang humpay na pagawa ng sitcom sa naturang station. No love lost naman daw.

Pero nagulantang kami nang bigla na lamang siyang humikbi nang paimpit sabay ang pamumutawi nang malalapot na luha na hinugot marahil sa kaibuturan ng kanyang mga di kanais-nais na nakaraan nang siya’y naging jobless for years, sabay sabi: “Sabihin na natin na ang TV5 ang nagbukas ng trabaho para sa mga artistang nawalan ng trabaho tulad ko.”

Nawala raw kasi sa uso ang sitcom sa banggaan ng dalawang higanteng networks, ABS-CBN kontra GMA-7. Panay teleserye ang ipinalit. Kaya nawala raw siya sa uso at natigil tuloy ang pagpapadala niya ng tulong sa kanyang anak sa States na biktima ng economic recession at retrenchment.  Pati na ang kanyang sasakyan ay muntik-muntikan nang mailitdahil kinulang na siya sa pang-amilyar.

Pero in God’s time she found her way back to work again. At ito ay dala ng TV5 na hindi takot mag-venture sa sitcom kahit ang uso ay ang teleserye at telenovela sa ibang bansa.

Inimbitahan siya nina Long Mejia at John Estrada na sumali sa sitcom ng dalawa sa TV5. Nagpaalam siya sa Dos. Noong una, parang ayaw siyang payagan pero nung sinabi niyang she was in desperate need for a job saka na lang siya pinakawalan. “Alam mo naman ang mga artista ay bread winner talaga sa pamilya. Kaya pag-jobless, kawawa ang mga umaasa sa amin sa totoo lang,” dugtong pa ni Nova.

Usong-uso na ngayon si Nova Villa. Mainstay siya sa bagong sitcom na “Sugo Mga Kapatid” sa panulat ng aming best friend bilang headwriter no less na si Dan Salamante at sa direksyon naman ng award-winning na si Direk Al Tantay (direktor din ng “Lokomoko U”) na kilala bilang maverick sa pagsusulat ng mga kakaibang klaseng sitcoms.

Ipe-premiere ito sa June 4 pagkatapos ng “Talentadong Pinoy” kasama ang iba pang nag-ober da bakod tulad nila Joey Marquez, Wendel Alvarez, Long Mejia at si Milagring minus ang ex-Wowowee girls na sina Mariposa at Luningning.

Hindi lang daw magpapatawa rito si Nova Villa. Bagkus, ipapakita niya ang bago niyang natuklasan sa sarili nung siya’y naging jobless, ang kakayahan sa pagdadrama. May bago nga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply