NPC, Senate gumiri sa NPC-AFIMA Inter-Beat basketball tournament

MATIKAS na sinimulan ng Host team National Press Club, Senate at Pakitang Gilas ang kani-kanilang kampanya sa pagsisimula nitong Sabado ng 1st NPC-AFIMA Inter-Beat basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ginapi ng NPC ang Quezon City Police Press Corps, 58-53; dinomina ng Senate ang PPL Advance Solutions, 73-61, habang naungusan ng Pakitang Gilas ang Bulgar Team, 61-53, sa unang bugso ng aksiyon sa fund-raising tournament na itinataguyod ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, Bureau of Customs, Bubble Kleen Purified Drinking Water, Sun Cellular Phone at Philippine Sports Commission.

Si PSC Commissioner at acting executive director Chito Loyzaga ang guest speaker kung saan sinamahan siya nina NPC president Jerry Yap at AFIMA president Benny Antiporda sa opening ceremony na tinampukan ng pagbibigay ng parangal para sa ‘best in uniform’ na pinagwagihan ng Bulgar at ‘best muse’ na napanalunan ng mayuming muse ng DOLE Team.

“It’s an honor and privilege joining all of you in this sports-cum-fund raising program. I hope this is not the end and I promised to support the NPC-AFIMA’s cause in protecting press freedom,” said Loyzaga.

Tinampukan ni Herman Arcenue ang ratsada ng NPC sa natipang 20 puntos at  24 rebounds, habang topscorer si Bandong Eyana para sa Senate, habang walang umiskor ng double digits sa Pakitang Gilas na pinangunahan ni Jerome Lagunzad ng Malaya na tumipa ng siyam na puntos.

The game resumed next Saturday with a heavy four-game bill featuring teams from Manila Police Department, MERPO, LTO Tri-media,  PNP Press Corp, Philtrust Bank, Ermita Police Department, Bulacan Press Corps, Customs, Department of Labor and Employment, Remate-Afima, and Camp Gen. Pantaleon team.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply