Obispo di bilib sa mataas na rating ni Binay

KUNG ang Malakanyang ay masaya hindi naman bilib ang obispo sa pinakahuling pag-angat ng rating ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, welcome sa kanila ang resulta ng Pulse Asia Survey sa paglabas na si Binay ang pinaka-pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno sa ngayon.

Binigyang-diin ni Valte na dala-dala na rin ni Binay ang administrasyon dahil kasama ito sa team ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa nabanggit na survey, numero uno sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno si Binay, habang pumangalawa si Pangulong Aquino.

Samantala, sa pakikisawsaw sa pulitika, kwestyunable naman para kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naging resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia

Giit ni Pabillo, walang nagawa si Binay para tulungan ang mga mahihirap, lalo na sa pabahay, sa pagiging pinuno nito ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Binigyang-diin ni Pabillo na tulad ni dating Vice President Noli De Castro ay wala aniyang ginawa si Binay upang pigilan ang serye ng mga demolisyon at pagpapa-alis sa mga informal settler sa Metro Manila.

Sinabi naman ni Binay na karapatan ng isang tao na ipahayag ang kanyang sariling panananaw at hindi umano niya saklaw ang katinuan ng isang nilalang.

Matatandaang nakakuha ng 83 porsiyentong trust rating si Binay habang 71 porsiyento lamang ang kay Pangulong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply