Obispong pinagbibitiw si PNoy binuweltahan

BINUWELTAHAN ni Sen. Franklin Drilon si Butuan Bishop Juan de Dios Peublos, na nanawagan ng pagbibitiw nii Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III dahil umano sa pagtatalaga ng mga kaibigan, kamag-anak at “shooting partner” sa mga matataas na posisyon sa pamahalaan.

Si Pueblos ay kaalyado umano ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na isa nang kongresista ngayon.

Sinabi ng senador na kwestyunable ang kredibilidad ni Pueblos para manawagan ng pagbibitiw ni Pangulong Aquino dahil hindi nito kinuwestyon ang pagtatalaga ni Arroyo sa mahahalagang puwesto sa gobyerno sa kanyang manikurista at hardinero.

“Where was Bishop Pueblos when President Arroyo appointed her manicurist and her gardener to important positions in government?” tanong ni Drilon.

Nagpahayag ng pagtataka si Drilon kung bakit hindi lumutang si Pueblos nang batikusin ng simbahan ang maluluhong gastos ng delegado ni Arroyo kasama ang kanyang mga kaibigan sa labas ng bansa.

“Where was Bishop Pueblos when the Catholic Church criticized Mrs. Arroyo for her extravagance when she and her cronies spent almost a million pesos on a single dinner in an expensive restaurant in New York during her 2009 USA trip?” aniya.

Tinukoy ni Drilon ang kontrobersyal na hapunan ng grupo ni Arroyo sa mamahaling restorang Le Cirque sa New York City, kung saan umabot sa US$ 20,000 ang ginastos sa isang hapunan.

Tahasang sinabi ni Drilon na si Pueblos ang dapat magbitiw sa puwesto bilang obispo ng Butuan at sumama sa grupo ni Arroyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply